Huwebes, Pebrero 21, 2013

Mga Hanapbuhay sa Bicol

Paghahabi



Ang paghahabi ay ang gawaing Filipino na nagmumula sa mga panahon ng Kastila. Ito ang isa sa mga hilig gawin ng mga Filipino. Sa Bicol, marami ang naghahabi at ang kanilang mga produkto ay alpombra, karpet at tuwalya.


Ang paghahabi ay sikat sa Bicol. Naghahabi sila ng mga kumot, alpombra, at iba pa. Ang materyales na kalamitan nilang ginagamit ay ang Abaca. 


Marami sa atin ang may alam kung ano ang paghahabi. Ito ay tradisyonal na hanapbuhay sa ating bansa. Simula pa noong panahon ng kastila ay hanapbuhay na ito.


Lalo na dito sa Pilipinas na puno ng Likas na Yaman. Marami sa atin ang hindi tumatangkilik ng gawang pinoy. Ngunit ang mga gamit na hinabi ay unti unti ng tinatangkilik ng mga Pilipino. Ipinapakita lang nito na may ilalaban din ang mga gawaing pinoy!



Pagsasaka



Ang pagsasaka ay tumutukoy sa gawaing pagtatanim at pag-aani ng mga halamang kakainin sa pang araw-araw. Sa Bicol, kalamitan ng mga naninirahan dito ay hanapbuhay ang pagsasaka. Ang mga pangunahing produkto na kanilang sinasaka ay palay at mais.


Ito ay sikat sa Bicol dahil na rin ito ay isang probinsya kaya naman ang lupa rito ay mataba. Mainam ang lupang ito na pagtaniman. Ang pagsasaka ay isa sa mga hanapbuhay ng mga pamilya sa Bicol. Ito ay sikat sa kanila dahil sa klima at ang lugar nila ay likas sa mga matatabang lupa. 


Ito ay tumutukoy sa gawaing pagtatatanim at pag-aani ng mga halamang maaaring kainin, kabilang na dito ang mga palay, mais, gulay at iba pa.


Ang pagsasaka ay isang uri ng paggawa ng pagkain. Ang pagsasaka ay likas na sa mga tao na nakatira sa probinsya ngunit hindi lang ito gawaing pantao, isa sa mga katulong ng tao ay ang mga hayop. 


Pangingisda



Ang pangingisda ay naisasagawa sa pamamagitan ng pamimingwit o pagbibitag. Sa Bicol, Alumaha, Pampano, Lapu-lapu, Galunggong, Kanduli at Dilis ang kalamitang mahuli ng mangingisda rito.


Ang Bicol ay napapalibutan ng iba't ibang anyo ng tubig Kaya naman ang iba sa taga Bicol ay mga mangingisda . Marami rig iba't ibang klase ng isda sa anyong tubig ng Bicol. Ang pangingisda ay mahirap na trabaho sapagkat kung wala masyadong huli ay nagkakadahilanan na ang iyong kita ay kakaunti rin. Kaya ang iba ay gumagamit ng hindi magandang paraan upang makapanghuli lamang para sa kanilang pangaraw-araw na kapakanan.


Pwede ring makalaso sa mga bibili nito at higit sa lahat ay hindi ito sariwa. Kaya dapat ay pahalagahan natin ang ating mga dagat ng sa gayo'y mapakinabangan pa natin hanggang sa susunod na mga henerasyon
















Mga Laro sa Bicol


Sipa


Ang larong ito ay makikita sa labas ng bahay. Mga punit punit at makukulay na plastik at isang takip ng bote o tansan lang ang kailangan. Nilalaro ito sa pamamagitan ng paghahagis at pagsipa pataas gamit ang paa. Kapag sumayad na sa lupa ang tansan, ang laro ay tapos na.

Ang bicol ay isang probinsya kaya nananatili itong laro sa Bicol ngunit ito ay nasasakop na ng teknolohiya. Madalas nating nilalaro ang sipa sapagkat ito ay kanilang nakagihasnan. Bukod sa madali lang ito laruin, ang mga materyales na ginagamit rito ay madali lang mahanap.

Hindi lang sa probinsya ng Bicol makikita ang sipa na nilalaro. Sa ibang siyudad din ay mayroong mga batang naglalaro nito. Kahit ang ilan sa amin ay nakapaglaro na rin nito.

Ito ay naka titipid at nakakatulong sa mga taong gustong pumayat sapagkat buong katawan ay maaaring magamit sa larong sipa. Kaya subukan na ang isa sa sikat na laro sa Bicol.


Luksong Tinik



Ang Luksong Tinik ay isang popular na larong Pinoy, nilalaro ng dalawang kuponan na may parehas na bilang. Ang bawat kuponan ay mamimili ng pinuno na may kakayahang talunin ang mga pinagpatong-patong na paa at kamay na tinatawag na "Tinik". Ang pinuno ay ang tatawagin na "Nanay".



Ang Luksong Tinik ay isang larong pambata. Ito ay kadalasang nilalaro sa labas ng bahay. Isa ito sa mga kinahihilagang laruin ng mga Bicolano.

Ang Luksong Tinik ay isa sa mga katutubong laro na kung saan ang dalawang magkagrupo ay nakaupo at pinagpapatong patong ang mga paa at kamay na nagsisilbing tinik. Samantalang ang kalaban na grupo ang tatalon dito.

Ang Luksong Tinik ay ang simpleng pagtalog sa mga pinagpatong-patong na mga kamay at paa. Ang obhektibo ng laro ay ang pagtalon sa mga pinagpatong patong na mga kamay at paa ng hindi nadarapa.


Syatong




Ang Syatong ay karaniwang nilalaro ng dalawang kupunan na may tigda-dalawang manlalaro bawat isa. Nilalaro ito sa labas na kung saan may malawak na espasyo. Kailangan gumawa ng butas sa lupa para patungan ng patpat.

Nakapaglaro ka na ba ng syatong? Marahil ay hindi pa. Napaka limitado lamang ng taong may alam ng larong ito.

Ang mga kagamitan ng larong ito ay madaling mahanap sa paligid sapagkat kailangan lang ng dalawang patpat  at isang butas na patungan ng patpat.

Isa lamang ito sa mga larong pinoy na sikat sa ating bansa, lalo na sa Bicol. Ngunit sa pagdating ng panahon, hindi na ito masyadong nalalaro sapagkat ang teknolohiya ay sumasakop na rin sa probinsya. Sana ay mapangalagaan natin ang mga larong Pinoy tulad ng syatong.



Ikaw ba ay nakapunta na sa Bicol?
  • Ikaw ba ay pamilyar sa larong sipa, luksong tinik, at syatong?
  • Alam mo ba ang mga pangkaraniwang hanapbuhay dito?
  • Nais mo bang malaman ang mga ito?
Pwes, ang mga katanungan mo ay masasagot kung tutunghayan ninyo ito. Upang ikaw ay makaalap ng impormasyon na may kinalaman rito.



Mapa ng Bicol